Uulitin pa sana ng prinsipe ang pagsampal subalit isang matandang babae ang namagitan. Palibhasa'y walang iginagalang ang mga prinsipe, basta't mahirap, kaya pinagtulungan nilang saktan ang matanda. Nagsiksikan naman sa isang tabi ang mga nahintakutang dalaga.